Purveyor of Knowledge and Emerging Publisher of Content and Visually Driven Books
September 18, 2024







LAST FULL SHOW

Danilo Dalena Retrospective
Mahirap Magsalita ng Tapos

March 2017--Magkalinawan na tayo sa simulat simula pa. Hindi ito ang last full show ni Danilo Dalena. At lingid sa kaalaman ng  karamihan, naging abala naman siya gayong tila nanahimik matapos ang makalawang survey ng mga obrang idinaos rin ito sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1990.

Let’s get this straight from the get go.  This is not Danilo Dalena’s last full show. Unbeknownst to many, he remained immersed in making art despite the apparent silence and distance he affected from the art world since his last major survey exhibition at the Cultural Center of the Philippines in 1990.













Mula kay Dalena mismo nanggaling ang pamagat na LFS. Ika niya : mala all-star cast finale iyan sa Alibangbang (bar sa Cubao na pinaghugutan ng mga tumanyag niyang larawan na mananayaw), o special llave kasali lahat ng mga bidang manlalaro ng Jai Alai (Dalena HQ matapos Dalena HQ matapos matanggalan ng trabaho sa pagpapasara ng mga lathalain noong martial law). Kung Baga ‘ all hands on deck’ sa bapor,’pasiklaban’ o patalbugan sa entablado, royal rumble sa WWF. Bongga! Sabi nga ng mga naghahanap ng kaaliwan noong dekada’70, yugto kung kailngan unang sumikat si Dalena bilang pintor at iskultor.

Dalena himself thought up LFS, and despite the teams misgivings about the forlorn tone, he insisted that the Last Full Show came with the other less morbid associations: the all-star cast finale of Alibangbang (the Cubao bar from which he drew his model for his famed series), or special llave which had all the best Jai Alia (de facto Dalena HQ when Martial Law clamped down on publication costing him his job) playing competing against each other. Other parallels: the all hands on deck charge on sea vessels, the no holds barred mode in which performers try to upstage each other, and WWF Royal Rumbles. Bongga was how people used to put it in the 70s, the decade during which Dalena first gained attention as painter and sculptor.








































Noon pa man asiwa na si Dalena kapag itinatali ang kanyang mga Gawain sa lohika ng istilo, o kapag naihahanay siya sa mga kampo kampong nagtatagisan ng galling sa mundo ng sining. Kaya naman, kahit na makailang beses na ring sinubukan  ng kritiko at historyador na lapatan ng kronolohiya ang mga likha niya (Jai Alai ang pambungad  bahagyang pupuslit si Quiapo at Alibangbang, sumunod ang mga serye ng sine, Port Area Authority at ehersisiyo at pumupwesto ang buhay Kamuning sa gawing hulihan) manaka-naka parin tumiwalag ang mga ito sa pagkakasunod-sunod na kalimita’y dikta ng payak na pagsusuri. Nariyan na nga’t naturingan na siyang expressionist pati na social realist. Gayunpaman, nagbabakasakali ang LFS na matinag kahit kaunti ang ganung pagsasalugar  upang mabigyang puwang din ang mga nagawa ni Dalena na lihis sa mga kategoryang nakagawian na. Iginigiit rito na gaya na rin sa kaso ng ilan pang manlilikhang “gago   at totoo” (iyan ng
self-identification ni Dalena noong 1990)nanlaban sa mga masyadong pininong pagkasalansan o denomerong pag uuri ng mga obrang may kakayanan magbigay anyo sa kaalaman. Tinataya ring mas may pag asang magpatuloy ang pagbibigay kahulugan sa sining kung bibigyang atensyon ang teknikal kalidad nito kasabayan ng pananarinari sa dinamiko ng lulan at panahon. Sa ganitong paraan marahil mas masusuing mahihimay at matatahi ang relasyon ng porma sa mga kondisyong ng produksyon at sirkulasyon na particular o tukoy sa pagkakataon naisapubliko ang obra. Dito inuugat ang sadyang di linyar na paglalahad ng LFS, sa pagsubok na umalpas sa pagkaktaon na iisang pananaw o linyang naging gasgas na.

Even then, Dalena had never been coy about how irritated he was with the constant pigeon holding that came with discussions on style, or when he would be pegged to one camp or other in the already competitive art world. And so, despite the many attempts by critics and historians to establish chronologies that pinned certain logic to his practice (the jai Alai as introduction, his Quiapo and Alibangbang phases coming next followed by his movie. Port Area and exercise series, with Kamuning works bringing up the rear), the body of work as seen here continuous to defy the strict sequence usually born of surface-level analysis. Dalena has been called an expressionist as well as a social realist even when his preference hinges on the absurd: call him bingengot (deaf) instead he says. All his notwithstanding LFS wagers this type of emplacing might give room for recognition on how Dalena has also done work that departs from such easy categories. As Dalena cast his lot with other artist who self-identify as gago at totoo (defiant but earnest, his own self labeling in 1990), such is the challenge laid out against the facile boxing up and automatic readings that keep art from being experienced with more nuance. The hope is that a less calcified perspective might activate meaning making that is anchored not just in technique, but also spatial and time0bound dynamics. Perhaps then, this is one way two or more sharply weaving together the aesthetic experience with contexts of production and circulation and the particular time and space within which the live art encounter occurs. This is the backstory behind the no – linear manner that LFS is presented.








































Bakas sa mga mala-seryeng eksenang nakatanggal ditto na lulan ng palalim na pagtangi ang paggalugad ni Dalena sa tinubuang baying pakil at mga sulok ng madungis at mabangis  na lungsod kung saan  siya nadako bilang magaaral , empleyado at tambay. Kita rito na sabayan niyang kinakarinyo at tinutuya ang kanyang subjek. Nariyan sa mga pagbagtas niya sa mga di hawig na espasyong yaon ang utak, puso at katawang karaniwang Pilipino, ang matalas magmatyag at makiramdam ang maselan sa amoy ngunit nagkakasya sa init sikip alinsangan at nakikipag girian para sa salat na pagkakataon.Sumisirit sa mga likhang narito ang sensibilidad na handang handang ibulgar ang ikinukubli  ang kapanghian at pagbabara ng mga palikuran, ang pagkutkut ng anay sa sandigang talasalitaan, ang pigil hiningang usok na sumusuot sa kalamnan at baga ng nampepeste at pinipeste, mga luray luray  dahil ngat napabayaan inabuso at tumatandang katawan, ang pagkahalay ng pagitan ng laman at pagtagas ng tabod, ang walang yuming paglilinis  ng singit at puwit, pati na ang desperadong pagpapamacho ng geriatric na nilipasan nan g libog. Pait imbis na tamis ang kalimitang pabaon ni Dalena sa kanyang mga gawang tumawid sa pananalamin at pagkapayaso sa gitna ng nakakasirang ulong trahedya  at kontradiksyon. Nabibistahan rito ang pagbibida sa abilidad na umukit ng puwang para sa sabayang debosyon at dibersyon.

Evident in the loose seriality of LFS is Dalena’s underhanded desire made manifest in journeys taken through his hometown Pakil to the dingy and tough cities where he ended up as a student, working man, and unemployed itinerant. Patent in these visual and tactile accounts is a dual caressing and twitting of his subjects. It is in navigating these unlike places with his arguable ambivalence that a sense of the mind heart and body of the Filipino everyman that Dalena so avidly images emerges, in pictures strewn with bodies triggering acute senses that sharp and to odor but easily suited to heat, congestion, and muggy conditions midst a jostling for space. Dalena’s patent readiness to reveal the unmentionable reaches out broadly : the scent of urine, backed up toilets , the sound of termites gnawing at bastions of lexical canons, lung-wrenching  fumes from mosquitos repellant, the cracking of ageing and abused bodies., the seediness of traded flesh and spilled semen , the graceless tending to body orifices, and pathetic overtures of geriatric macho. Dalena’s works often leave a bitter rather than sweet aftertaste in his fence-sitting between a mimetic and comic stance to absurdity. The oeuvre strands as witness to his propensity toward simultaneous devotion and diversion.




































Fall of Bataan Tatanda Ka Rin Series (2003)
























 
Naaninag sa mga obra mapa larawan man iskultura o instalasyon ang katauhan ng artistang di mapakali at may kahandaang igiit ang kalayaan  ng indibidwal na pumupumupusiosyong taliwas sa kaayusang namamayani. Animoy sinabuyan ng lupat dumi at pinakapitan ng libag ang paleta, kanbas, baul ng mga materyales ma ga,it ni Dalena, Parang kiti kiti sa kalikutan ang mga linya niyang bumabalingkas sa kalibadbaran ng mga pigurang kundi gumiling, nagparaaos , namboboso, namamanata, dumadahak, dumudumi, umiihi, nagsusuka o nasa bingit ng pagkakahandusay, Buhay kahit na namimiligro ang kanilang estado. Sa pagkakababad sa komiks, ritwal ng bayan , pelikulat ordinaryong pakikipagtuos sa araw araw na buhay nakamitsa at nakahanap ng tagpuan ang paglikhang ito. Kaya rin naman nagkakaroon ng saysay sa imahinasyong popular at artistiko ang obrang may mga temang abot isip at pormang pamilyar.  Bihirang bihira na manahimik ang mga kartakter at lulan sa mga kwarto, lagit lagi silang may ipinahihiwati o tinutungo kahit na pagkalugmok rin naman ang malimit na hantungan . Solo man o nakikipagbalyahan sa iba pang katwan, ang tauhang hayagan o nagmumulto sa mga espasyong likha ni dalenay tuwinang inalpasan nan g kaakuhan. Mga kwardro  lamang ng mukha ng matalik na kaibigan ang naiba sa ganitong banda.































 
Di rin maitanggi ang katapangang ipinamalas ng iginuhit na mga editorial cartoon at ilustrasyon ni Dalena bagaman salungat pa rin ang mga ito sa linyadong alyansang pulitikal na pinili ng karamihan ng kanyang mga kasabayan sa propesyon. Sa ganitong konteksto ng pagkakaroon ng sariling palo rin nating maaaring basahin ang unang sabak ni Dalena sa paggamit ng di kumbensyonal na mga medium: tinunaw na platong resin, pambalot ng tinapa, upos ng katol, pulutong ng mga pare-parehong mga sapatos, mga condom na hulmahan, pati na mga talunan na hai alai tiket. Gayon dinmarahil ang pagsipat sa paglahok ni dalena sa mga Gawain o mga tinawag na pahulo ng Shop 6 noong mga gitnang taon ng 1970s.  Inilunsad sa mga espayo  ng Kalinangan ng Lahi sa Cubao, CCP at sa Sining Kamalig, di minsanan silang inulan ng puna dahil sa kanilang mga gawang wala naman daw katuturan, nagmamalabis lang sa paglalaro ng porma’t materya, di mawariang taktika sa pagpapalabas. Lalo na noong dekada ng 70s, maituturing itong mapaglarong sundot na gumigiit  na tradisyunal na pagpipinta, paggupit at paglilok lamang ang awtentikong ekspresyong Pinoy. Hamon din ito sa mga pormang mas kayang kasangkapinin ng merkado. Sa ganitong banda rin maarin   ihanay ang angking kapilyuhan , kagaspangan at pagkabagot sa pagmamalinis at kahungkagan na nagging marka nan i Dalena, mga katangiang masidhi pa din sa gitna  ng knyang pag-usad  sa estadong senior, pagkakaroon ng karamdaman  at katuwang  na panghihina sa produksyo . Gayunpaman , sa katotohana’y marami pang baling naka-amba si Dalena na di  sukat mapagkasya sa maambisyon n ngang pagtatanghal ng LFS. Diyan na rin nga mahihinuha na ang tunay at lantarang intension ng LFS ay mistulang Extended Run.

Whether drawing painting, sculpting or turning out an installation, Dalena gives off vibe of undeniable restiveness, a stubborn insistence on an individual’s ability to occupy an oppositional stance posed through a personal visually. With his earth tinted palettes affinity to soil, dirt and grime his distinctly frenzied lines make up the contours of figures in unrest: gyrating sexing ogling carrying out a devotional vow, spitting, pooping, peeing, throwing up or going into dazed states, their precarious conditions belying their resoluteness. Dalena’s boyhood backstory, steeped in pop and folk culture – the stash comics sold of their Pakil home prepping him the window-view to town rituals, a proclivity for films and a fascination about the mundane, such were the triggers and incubating places of this trove. This criss-crossing of realms makes for work bearing multiple access points. Rarely do Dalena’s protagonists appear evacuated of distinction. Only portraits of those dear to him contrast such depictions. Dalena’s editorial cartoon illustrations are similarly stark and brazen. Born alongside the highly charged pens of writers like Pete Lacaba, it remains curious that the artists opted out from fully enlisting himself in the people’s revolutionary struggle which the route was taken by many of his peers. It might also be in light of this self- distanced streak that we find that Dalena embarked on several tangents by way of medium: melted plastic, state missives turned into fish wrapping, mosquito coil embers, a phalanx of regulation black shoes, condom molds and an assemblage of discarded jai alai tickets. We might invoke this intrepidness similarity in regard to Dalena’s association with shop 6 in the 1970s. Undertaken in Kalingan ng Lahi, Cubao, CCP and the defunct Sining Kamalig this loose aggrupation bore the brunt of charges of gimmickry, senselessness, excessive plays on form, material and exhibitionary Taken against the juncture of the hyper-commoditized 70s, their antics might arguably be read now as flailing challenge to the reigning   identitarian aesthetics anchored on naively nationalist  painting, drawing and sculpting as well as foil to marketable form The logic could also be extended to Dalena’s naughtiness, gruffness, and intolerance for cosmetic fluff and pretense and those distinguished trait that have sharpened even in the artist’s senior years marked by illness and  a comparably slower work pace. Truth is Dalena has loads of unshown work waiting in the wings as it was simply logistically impossible to bring everything into LFS. This overspill strongly hints that this Last Full Show’s real ambition is to go Extended Run.

Eileen Legaspi Ramirez