Purveyor of Knowledge and Emerging Publisher of Content and Visually Driven Books

November 2, 2025

Last Full Show Danilo Dalena Retrospective


LAST FULL SHOW

Danilo Dalena Retrospective
Mahirap Magsalita ng Tapos

March 2017–Magkalinawan na tayo sa simulat simula pa. Hindi ito ang last full show ni Danilo Dalena. At lingid sa kaalaman ng  karamihan, naging abala naman siya gayong tila nanahimik matapos ang makalawang survey ng mga obrang idinaos rin ito sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1990.

Mula kay Dalena mismo nanggaling ang pamagat na LFS. Ika niya : mala all-star cast finale iyan sa Alibangbang (bar sa Cubao na pinaghugutan ng mga tumanyag niyang larawan na mananayaw), o special llave kasali lahat ng mga bidang manlalaro ng Jai Alai (Dalena HQ matapos Dalena HQ matapos matanggalan ng trabaho sa pagpapasara ng mga lathalain noong martial law). Kung Baga ‘ all hands on deck’ sa bapor,’pasiklaban’ o patalbugan sa entablado, royal rumble sa WWF. Bongga! Sabi nga ng mga naghahanap ng kaaliwan noong dekada’70, yugto kung kailngan unang sumikat si Dalena bilang pintor at iskultor.

Noon pa man asiwa na si Dalena kapag itinatali ang kanyang mga Gawain sa lohika ng istilo, o kapag naihahanay siya sa mga kampo kampong nagtatagisan ng galling sa mundo ng sining. Kaya naman, kahit na makailang beses na ring sinubukan  ng kritiko at historyador na lapatan ng kronolohiya ang mga likha niya (Jai Alai ang pambungad  bahagyang pupuslit si Quiapo at Alibangbang, sumunod ang mga serye ng sine, Port Area Authority at ehersisiyo at pumupwesto ang buhay Kamuning sa gawing hulihan) manaka-naka parin tumiwalag ang mga ito sa pagkakasunod-sunod na kalimita’y dikta ng payak na pagsusuri. Nariyan na nga’t naturingan na siyang expressionist pati na social realist. Gayunpaman, nagbabakasakali ang LFS na matinag kahit kaunti ang ganung pagsasalugar  upang mabigyang puwang din ang mga nagawa ni Dalena na lihis sa mga kategoryang nakagawian na. Iginigiit rito na gaya na rin sa kaso ng ilan pang manlilikhang “gago   at totoo” (iyan ng self-identification ni Dalena noong 1990)nanlaban sa mga masyadong pininong pagkasalansan o denomerong pag uuri ng mga obrang may kakayanan magbigay anyo sa kaalaman. Tinataya ring mas may pag asang magpatuloy ang pagbibigay kahulugan sa sining kung bibigyang atensyon ang teknikal kalidad nito kasabayan ng pananarinari sa dinamiko ng lulan at panahon. Sa ganitong paraan marahil mas masusuing mahihimay at matatahi ang relasyon ng porma sa mga kondisyong ng produksyon at sirkulasyon na particular o tukoy sa pagkakataon naisapubliko ang obra. Dito inuugat ang sadyang di linyar na paglalahad ng LFS, sa pagsubok na umalpas sa pagkaktaon na iisang pananaw o linyang naging gasgas na.

Bakas sa mga mala-seryeng eksenang nakatanggal ditto na lulan ng palalim na pagtangi ang paggalugad ni Dalena sa tinubuang baying pakil at mga sulok ng madungis at mabangis  na lungsod kung saan  siya nadako bilang magaaral , empleyado at tambay. Kita rito na sabayan niyang kinakarinyo at tinutuya ang kanyang subjek. Nariyan sa mga pagbagtas niya sa mga di hawig na espasyong yaon ang utak, puso at katawang karaniwang Pilipino, ang matalas magmatyag at makiramdam ang maselan sa amoy ngunit nagkakasya sa init sikip alinsangan at nakikipag girian para sa salat na pagkakataon.Sumisirit sa mga likhang narito ang sensibilidad na handang handang ibulgar ang ikinukubli  ang kapanghian at pagbabara ng mga palikuran, ang pagkutkut ng anay sa sandigang talasalitaan, ang pigil hiningang usok na sumusuot sa kalamnan at baga ng nampepeste at pinipeste, mga luray luray  dahil ngat napabayaan inabuso at tumatandang katawan, ang pagkahalay ng pagitan ng laman at pagtagas ng tabod, ang walang yuming paglilinis  ng singit at puwit, pati na ang desperadong pagpapamacho ng geriatric na nilipasan nan g libog. Pait imbis na tamis ang kalimitang pabaon ni Dalena sa kanyang mga gawang tumawid sa pananalamin at pagkapayaso sa gitna ng nakakasirang ulong trahedya  at kontradiksyon. Nabibistahan rito ang pagbibida sa abilidad na umukit ng puwang para sa sabayang debosyon at dibersyon.

 
Naaninag sa mga obra mapa larawan man iskultura o instalasyon ang katauhan ng artistang di mapakali at may kahandaang igiit ang kalayaan  ng indibidwal na pumupumupusiosyong taliwas sa kaayusang namamayani. Animoy sinabuyan ng lupat dumi at pinakapitan ng libag ang paleta, kanbas, baul ng mga materyales ma ga,it ni Dalena, Parang kiti kiti sa kalikutan ang mga linya niyang bumabalingkas sa kalibadbaran ng mga pigurang kundi gumiling, nagparaaos , namboboso, namamanata, dumadahak, dumudumi, umiihi, nagsusuka o nasa bingit ng pagkakahandusay, Buhay kahit na namimiligro ang kanilang estado. Sa pagkakababad sa komiks, ritwal ng bayan , pelikulat ordinaryong pakikipagtuos sa araw araw na buhay nakamitsa at nakahanap ng tagpuan ang paglikhang ito. Kaya rin naman nagkakaroon ng saysay sa imahinasyong popular at artistiko ang obrang may mga temang abot isip at pormang pamilyar.  Bihirang bihira nan a manahimik ang mga kartakter at lulan sa mga kwarto, lagit lagi silang may ipinahihiwati o tinutungo kahit na pagkalugmok rin naman ang malimit na hantungan . Solo man o nakikipagbalyahan sa iba pang katwan, ang tauhang hayagan o nagmumulto sa mga espasyong likha ni dalenay tuwinang inalpasan nan g kaakuhan. Mga kwardro  lamang ng mukha ng matalik na kaibigan ang naiba sa ganitong banda.

 
Di rin maitanggi ang katapangang ipinamalas ng iginuhit na mga editorial cartoon at ilustrasyon ni Dalena bagaman salungat pa rin ang mga ito sa linyadong alyansang pulitikal na pinili ng karamihan ng kanyang mga kasabayan sa propesyon. Sa ganitong konteksto ng pagkakaroon ng sariling palo rin nating maaaring basahin ang unang sabak ni Dalena sa paggamit ng di kumbensyonal na mga medium: tinunaw na platong resin, pambalot ng tinapa, upos ng katol, pulutong ng mga pare-parehong mga sapatos, mga condom na hulmahan, pati na mga talunan na hai alai tiket. Gayon dinmarahil ang pagsipat sa paglahok ni dalena sa mga Gawain o mga tinawag na pahulo ng Shop 6 noong mga gitnang taon ng 1970s.  Inilunsad sa mga espayo  ng Kalinangan ng Lahi sa Cubao, CCP at sa Sining Kamalig, di minsanan silang inulan ng puna dahil sa kanilang mga gawang wala naman daw katuturan, nagmamalabis lang sa paglalaro ng porma’t materya, di mawariang taktika sa pagpapalabas. Lalo na noong dekada ng 70s, maituturing itong mapaglarong sundot na gumigiit  na tradisyunal na pagpipinta, paggupit at paglilok lamang ang awtentikong ekspresyong Pinoy. Hamon din ito sa mga pormang mas kayang kasangkapinin ng merkado. Sa ganitong banda rin maarin   ihanay ang angking kapilyuhan , kagaspangan at pagkabagot sa pagmamalinis at kahungkagan na nagging marka nan i Dalena, mga katangiang masidhi pa din sa gitna  ng knyang pag-usad  sa estadong senior, pagkakaroon ng karamdaman  at katuwang  na panghihina sa produksyo . Gayunpaman , sa katotohana’y marami pang baling naka-amba si Dalena na di  sukat mapagkasya sa maambisyon n ngang pagtatanghal ng LFS. Diyan na rin nga mahihinuha na ang tunay at lantarang intension ng LFS ay mistulang Extended Run.

 

Last Full Show takes off from where the larger public was last served the broadest sweep of Danilo Dalena’s body of work in his 1990 survey exhibition also at the Cultural Center of the Philippines. Fuelled by his virtual absence of the gallery circuit for over 25 years, the perception that Dalena had hibernated from  art all those years is dispelled  as LFS reveals  suites of drawings and paintings on recently done even as the artist has been slowed by several health crises . Characteristics of Dalena’s signature affinity with the scatological and repellant, what be of particular interest is his yet unfinished series of images referencing unseemly acts and antics in seedy movie houses.  While loosely taking on the structure of cinema with establishing sequrnces, transitions, freeze flames, and denouements, LFS is posited as a grand unfolding rather than definitive account. Dalena himself insist that the wordplay be taken in the spirit elaborately risqué closing numbers of his famed Alibangbang (bar) series and the final all-star game of the now moribund Jai Alai where the performance goes full throttle and the one-upmanship is cuttgoat and in your  face.

 
Photograph courtesy of the CCP Library and Archives

Basic Collections Management Seminar
Private art collectors and professionals who wish to explore the world of museums, galleries, archaeological artifacts, relics, and mementos will benefit from the Collections Management Seminar Series...
lee mas...
Murillo Velarde Map
The Murillo Velarde Map (1734): A Fascinating Record of Filipino Life
By the Artesdelasfilipinas Research Team Introduction to the Murillo Velarde Map The Carta Hydrographica y Chorographica de las Islas Filipinas of 1734, more commonly known as the Murillo Velarde map,...
lee mas...
Antiques Roadshow portrait revealed to be by Anthony Van Dyck
Antiques Roadshow portrait revealed to be by Anthony Van Dyck
December 2013-- Father Jamie MacLeod, who runs a retreat house in north Derbyshire, first took the artwork to Newstead Abbey, Nottinghamshire, in 2012.  He said he was now planning to sell the piece...
lee mas...
The Mastery of Mia Herbosa
The Mastery of Mia Herbosa
July-August 2010-- Mia Ongpin Herbosa has a unique standing in the history of Philippine art. Coming from the bloodlines of Jose Rizal and Damian Domingo, she proves with her talent in painting and erudition...
lee mas...
The Quintessential Artist-Storyteller Emmanuel Garibay
The Quintessential Artist-Storyteller Emmanuel Garibay
Emmanuel Garibay was born on November 23, 1962 in Kidapawan, North Cotabato by a father who worked as a pastor in a Methodist church and a mother who worked in the city engineers office. His family moved...
lee mas...
Keiye Miranda's Moving Waters
Keiye Miranda's Moving Waters
September- October 2010-- Keiye Miranda has burst upon the art scene in 1998 roaming freely among photography, gallery assisting, art teaching and painting. But despite her  various activities in...
lee mas...
Woman Buys Renoir for $7
Woman Buys Renoir for $7
September 2012-- A Missing Renoir has turned up in a fleamarket in America, where a woman bought it unaware of its value, for $7 (€5.45).  The lucky buyer said she was persuaded to make the purchase...
lee mas...
An Overview of the Novelty Songs of the Philippines
AN OVERVIEW OF THE NOVELTY SONGS IN THE PHILIPPINESby: Marianne Aubrey de la Cruz Novelty means innovation, originality, newness, freshness, uniqueness or even a product of creativity.  Novelty songs are...
lee mas...
P183 Dead: Street Artist Known As 'Russian Banksy' Dies At 29 Years Old
P183 Dead: Street Artist Known As 'Russian Banksy' Dies At 29 Years Old
MOSCOW -- Pasha P183, a prominent Russian graffiti artist who hid his identity and has been compared to Britain's Banksy, has died. He was 29. The Teatralnoye Delo theatrical production company, which...
lee mas...
Emerging Artist Robert Deniega
Emerging Artist Robert Deniega
Robert Deniega “Datu’s Eldest Wife” Watercolor 24′ x 18′ 2002 Private Collection EMERGING ARTIST: ROBERT DENIEGA  by: Christiane L. de la Paz “Hindi lahat nakukuha sa experience. Kung saan ka masaya at...
lee mas...